top of page

Pagsibol ng palatandaan ng nakaraan

Christine York c. Del Rosario

Tunay na nakabibighani.

Ang layo ng binyahe at nilakad upang makaabot dito. Pagod na pagod na ‘ko. Ngunit ng makita ang natatago nitong ganda, nawala lahat ng pagod sa aking katawan. Aakalain mo bang pinsala ang naidulot nito 27 taon na ang nakalilipas?

​

​

article 2.jpg

Pumangalawa ang Mt. Pinatubo sa naging pagsabog nito noong Hunyo 15, 2018. ang aktibong bulkan ay nasa pagitan ng Tarlac, Zambales at Pampanga na kasalukuyang tinuturing na tourist spot ng mga dayo at residente ng lugar dahil sa taglay nitong ganda sa itaas o crater nito.

Daan tungo rito’y hindi patag, maputik, kung tag-ula’y nagiging ilog pa. Kailangan pang sumakay ng mga 4x4 na sasakyan at magtrek upang marating ang lugar. Kung hindi siguro ito nagdulot ng kapinsalaan noo’y wala itong natatanging ganda ngayon.

​

Isa sa mga pinakakilalang bulkan sa buong Pilipinas ang Bulkang Pinatubo, na nasa gitna ng mga rehiyon ng Tarlac, Pampanga, at Zambales. Ito’y sumikat dahil sa pinsalang naidulot nito noong Hunyo 15, 1991. Ang pagsabog nito ang panagalawa sa pinakamalakas at mapaminsalang pagsabog ng ika-dalawampung siglo. Ito’y pumangalawa sa Bulkang Novarupta ng Alaska. Lalo pang nakadagdag sa danyos nito ay ang Bagyong Diding, ang paghahalo ng abo at tubig ulan ay nagdulot ng kapahamakan sa mga katutubong Aeta na naninirahan doon pati sa mga karatig bayan at lungsod.

​

Sa kasalukuyan ito’y naging puntahan ng mga tourista,  mapa-Pilipino man o dayuhan, mga taong naghahanap ng kakaibang karanasan sa paglalakbay. Kung saan ang paligid ng lugar ay nagsisilbing tirahan ng iilan sa ating mga kapatid na Aeta. Isa sila sa mga patuloy na nangangalaga sa kagandahan at kalinisan sa paligid ng bulkan.

​

Halos lahat siguro ng mga Pilipino alam ang tungkol sa lugar na ito, pati na rin ang kwento sa likod nito. Dahil doon at sa angkin nitong ganda, ito’y naisama sa pelikulang Crazy, Beautiful You na pinagbibidahan ng mga artistang sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Ito’y isa sa mga dahilan ng pagpatok nito sa mga tao at lalong lumago ang turismo ng bayan ng Capas.

​

Bawat tao sa mundong ating ginagalawan ay may mga naranasan sa nakaraan na ayaw na nating maulit muli. Mga karanasang nanakit at nagpahirap sa atin. Ngunit kung ating iisiping mabuti, ang mga pangyayaring ito ang mga humubog sa kung sino tayo ngayon. Ganito rin ang kwento sa likod ng Mt. Pinatubo at sa trek nito sa Bayan ng Capas. Ang pinsalang dinulot nito noon, ay gandang walang kapantay ngayon.

Tungkol sa Ang Hiraya

Ang 'Ang Hiraya' ay isang ay ang opisyal na pahayagan sa Filipino ng Wellspring Highschool. Ito ay naglalayang maglathala ng mga balita, editorial, lathalain, artikulong agham at balitang isports. Sinasalamin nito ang mga malikhaing pag-iisip ng mga mamahayag sa pamamagitan ng kanilang mga katha. Nagbibigay-Impormasyon din ito sa mga tao ukol sa pinakasariwang kaganapan sa paaralan at komunidad na hango sa katotohanan

Seksyon

bottom of page