PAGLISAN NG LUMA, PARA SA PAGBABAGO
Jeepney Modernization Program ni Duterte, isinulong!
Kneuelle Rafaela M. Amante
Nagpatuloy ang programa ng Pangulong Rodrigo Duterte na gawing makabago ang lahat ng pampublikong sasakyan na jeep nitong Enero 2, 2018.
Pinaalis ng pangulo ang lahat ng jeep na 15 taon na pataas upang masunod ang mga layunin ng kanyang Jeepney Modernization Program bago umano matapos ang buwan ng Enero.
Ang programa ay isang hakbang para sa inaasam na kaunlaran ng buong bansa upang masolusyonan ang problema sa trapiko at gawing maginhawa para sa mga pasahero ng mga pampublikong sasakyan maging sa mga tsuper nito.
​

Makikita sa kaliwa ang lumang jeepney habang sa kanan ang modernong model ng jeep na nakapaluob sa mga alituntunin ng programa ng pangulong Rodrigo Duterte na pinagpasiyahan nitong Enero 2, 2018.
At ayon sa sarbey, hindi sangayon ang karamihan (87%) sapagkat malaking kawalan ito para sa mga mahihirap na hindi kayang magpundar ng modernized jeep para mapalitan ang kanilang lumang sasakyan na kanilang ginagamit upang kumayod habang ang (13%) ay pumapabor dahil sa naniniwala sila na isa ito sa makakalutas sa problemang trapiko ng bansa.
