top of page

Anak ng Tinapa!

Christine York c. Del Rosario

Simot-sarap!

Kay sarap kainin, sawsawan ay bagoong at kalamansi, o di kaya’y toyo at kamatis, samahan pa ng gulay gaya ng okra, talong, at talbos. Lasang hahanap-hanapin mong tunay.

article 1.jpg

Halos 15 minuto ang layo ng biyahe tungong Barangay Talaga mula sa sentro ng bayan ng Capas sa probinsya ng Tarlac. Madaanan lamang ang naturing barangay ay maamoy mo na ang sarap ng kanilang pinagmamalaking produkto.

​

Ang tinapa ay isang uri ng isda na sinasangkapan at saka pauusukan. Pagtatapa ang prosesong tawag sa paggawa ng tinapa, na maari ring gawin sa karne. Ito’y ginagawa upang magdagdag ng lasa at mapanatili ang kasariwaan ng isda. Ang timpladong isda ay inilalagay sa mga basket upang pausukan na tumatagal ng maraming oras, kasabay nito ang pagpapalamig dito na umaabot din ng maraming oras at minsa’y umaabot ng mga araw. Matapos nito’y bagsak sa mga palengke, sa mga tindahan, at iba pang pamilihan, upang maibenta.

​

Ang paggawa ng tinapa ay naging hanapbuhay na ng karamihan sa mga residente ng Barangay Talaga. Ito’y nakadadagdag sa kanilang kita para sa mga pangunahing pangangailangan araw araw. Ngunit gaya ng lahat ng mga nagbebenta, minsa’y nagiging matumal  ang benta. Ngunit may mga araw rin na mabilis nauubos ang mga ito.

​

​

Sa kasikatan ng Barangay Talaga at ang produkto nitong tinapa, ito’y naitampok sa programa na Biyahe ni Drew ng artistang si Drew Arellano. Kanyang pang dinayo ang lugar para makapanayam ang isa sa mga gumagawa at nagbebenta ng tinapa.

​

Napakasarap sa pakiramdam na ang lokal na produkto ng isang bayan ay nakikilala ng ibang mga taong hindi residente ng lugar, kasama ng mga dayuhan. Ito’y isang magandang balita sapagkat ang produktong gaya ng tinapa ay maari pang maging mas kilala. Ayo slang kung tumangkilik tayo ng produkto ng iba ngunit ang mahalaga ay mabigyan natin ng importansya ang sariling atin. Tayo’y gumawa ng paraan, tayo’y maging instrumento, para mas makilala ang gawing Pilipino dahil balang araw tayo rin ang makikinabang sa kasikatan na maari nitong matamo. Suportahan ang mga produktong lokal at ating patatagin ang turismo ng ating mga bayan, probinsya, rehiyon, ng ating buong bansa.

Ibinibenta ang tinapa partikular na sa mga palengke kung saan nakilala ang baranggay Talaga sa produktong ito. Ang tinapa ay isang isda na tinitimplahan at pinauusukan pagkatapos ay inilalagay sa maliliit na basket upang ibenta at ito din ay sikat na sikat sa panlasa ng mga Pinoy.

Tungkol sa Ang Hiraya

Ang 'Ang Hiraya' ay isang ay ang opisyal na pahayagan sa Filipino ng Wellspring Highschool. Ito ay naglalayang maglathala ng mga balita, editorial, lathalain, artikulong agham at balitang isports. Sinasalamin nito ang mga malikhaing pag-iisip ng mga mamahayag sa pamamagitan ng kanilang mga katha. Nagbibigay-Impormasyon din ito sa mga tao ukol sa pinakasariwang kaganapan sa paaralan at komunidad na hango sa katotohanan

Seksyon

bottom of page