Lulukso pabalik sa dati
Gil M. Miranda iii
Tumbang Preso, Sipa at Patintero ay iilan lamang sa mga orihinal na mga Larong Pinoy subalit kahit tayong mga Pilipino mismo ang gumawa at lumaki rito ay unti-unti na rin nating nalilimutan dahil sa pag-usbong at pag-unlad ng makabagong teknolohiya pero ngayon ay pag-uusapan natin ang isa pa sa mga Larong Pinoy at ito ang Luksong Baboy.
Kahit sino, kahit ilan at kahit saan ay pwedeng laruin ang Luksong Baboy, bata man o matanda. Panigurado ay isa ito sa mga naranasan nating laruin noong tayo ay maliit pa dahil ito ay masaya at hindi nakakasawa, hindi kailangan ng kung anu-ano mang bagay tulad ng Sipa at nakatutulong sa ating katawan.
Bakit ito nakakatulong sa ating katawan? Nakakatulong ang Luksong Baboy sa ating katawan dahil ito ay nangangailangan ng lakas, bilis, pwersa at resistensya. Kung mahina ka man sa lahat ng mga bagay na nabanggit ay pwede mo paring laruin iyon at doon masasanay at lalakas ang katawan mo.
Isa lang sa masamang pwedeng maidulot ng larong ito ay kapag pataas na ng pataas at palayo na ng palayo ang iyong tinatalunan. Ito ay delikado hindi lang dahil pwedeng bumagsak ang tumalon pati na rin sa tinatalunan kapag nagkamali ng talon ang tumatalon.
Gayunpaman ay maganda pa rin itong laro lalo na sa mga kabataan upang tumibay sila para sa mga sitwasyong pwede dumating sa kanilang buhay. Ito rin ay maganda para mapalayo at makapagpahinga ang mga batang nakakulong sa kani-kanilang bahay dahil sa teknolohiya.
Huwag dapat nating hahayaan na mawala at malimutan ng tuluyan ang mga Larong pinoy sapagkat ito ang ipinamana at ipinasa ng mga nakaraang Pilipino at hindi pa mabawasan ang mga kultura nating unti-unting nawawala na.

Tinalunan ng batang nakaberde ang batang naka-asul dahil naglalaro sila ng luksong baboy sa palaruan ng tanghali.
