top of page
NATIBAG NA BUHAY NG TRAHEDYA
Minahan sa Benguet, gumuho; 60 na katao, hinahanap pa
Kneuelle Rafaela M. Amante

Pinagtulungan ng mga rescuers ang paghahanap sa mga nawawala pang residente ng Itogon, Benguet dahil sa naganap na pagguho ng lupa nitong Setyembre 18, 2018.
Gumuho ang lupa na kinatatayuan ng isang malaking minahan ng ginto sa Itogon, Benguet nitong Setyembre 18, 2018.
Nagpatuloy naman ang isinasagawang search and rescue para sa kanilang retrieval operation sa trahedyang naganap.
At ayon sa mga rescuers, 46 na katao na ang nahanap habang 60 na katao padin ang nawawala.
Sa pag-alis ng bagyong Ompong sa hangganan ng bansa, nag-iwan padin ito ng mga bakas na patuloy na nakaapekto sa mga buhay at pamumuhay ng mga tao ng bansa.
bottom of page
