Angas ng Pilipinas
Gilas ikinalas ang Qatar, 92-81
Gil M. Miranda iii

Nilampasan ni Stanley Pringle (naka asul) ang mga manlalaro ng Qatar para ibuslo ang layup sa upang makadagdag ng iskor sa kanilang koponan sa FIBA World Cup 2019 Asia Qualifiers na naganap sa Smart Araneta Coliseum, Quezon City nitong ika-12 na Setyembre.
Ipinakita ng Gilas ang tibay at tiyaga ng mga Pilipino dahil sa kanilang depensa at sharpshooting upang makabangon sa 13-point deficit laban sa Qatar sa FIBA World Cup 2019 Asia Qualifiers na ginanap nitong ika-12 ng Setyembre sa Smart Araneta Coliseum, Quezon City.
​
Nahirapan ang Gilas sa unang half ng laban dahil sa walang humpay na three-pointers at drives ng Qatar subalit nakabawi ang Pilipinas sa ikatlong quarter at tuldukan ang laro ng may kalamangang 11 puntos.
Pumarada si Alexander Cabagnot ng 16 puntos, 4 rebound, 3 assists at steals sa isang maliksing pickpocketing na laro na sinuportahan ng lakas ni Japeth Aguilar sa post at naglista ng 16 puntos at 9 boards kasama ang 13 puntos ni Stanley Pringle.
​
Kumana naman ang star player ng Qatar na si Mohd Mohmmed ng 26 puntos, 7 rebounds at 5 assists kasama ang double-double ni Tanguy Ngombo na may 17 puntos at 10 boards at ang 17 puntos at 2 blocks ni Nasser Al-Rayes.
Pinangunahan ni Pringle ang opensa sa ika-apat na quarter na sinundan ng 2 lay-up ni Aguilar sa unang 3 minuto ng quarter na tumungo sa isang 7-2 run, 74-66, na dinagdagan ng 4 made free throws ni na tinapos ni Aguilar gamit ang mid-range jumper para makakuha ng doube-digit lead sa kalagitnaan ng 4th quarter, 80-69.
Pinagpatuloy ng Gilas ang kanilang pagdomina sa huling 5 minuto ng ika-apat na quarter sa pamamagitan ng mid-range shooting at dunks upang tapusin ang laro, 92-81.
​
Nang tanungin si Pringle sa kanilang adjustments na gagawin sa ikalawang half ay sinabi niya na kailangan nilang kumuha at maghanap ng high percentage shots para makabalik sa laro.
​
Nagrally ang Qatar sa ikalawang quarter sa pangunguna ni Al-Rayes nang ipasok niya ang 4 na free throw na nagbigay lakas sa kanyang mga kasangga upang tumulong at magpaulan ng mga mid-range at three-pointers na may kasamang layup ng iba’t ibang key players.
​
Nangunguna ang gilas sa unang 4 na minuto ng opening quarter hanggang sa tinumbok sila ng three-pointer ni Al-Rayes na naging hudyat ng pagpapaulan pa ng mga tres ni Mohmmed at Ngombo at isa pang mid-range ni Mohmmed para makakuha ng 11-0 lead sa Gilas ika-apat na minute ng quarter, 8-18 na nagpatuloy hanggang sa huling sandal ng unang quarter, 15-26.
​
“Gagawin naming lahat para lahat ng laro naming ay ganito at makapasok sa FIBA World Cup para sa ating bayan,” gunita ni Cabagnot pagkatapos ng laro.
