top of page

INABANGAN NA PAGLISAN

Bagyong Ompong, umalis na ng bansa

Kneuelle Rafaela M. Amante

TARLAC CITY, Tarlac - Tuluyan na ngang lumisan ng bansa ang bagyong Ompong nitong Setyembre 16, 2018 ayon sa PAGASA.

 

Sinalanta nito ang halos ng kabahayan, kabuhayan at magagandang tanawin ng mga lugar na dinaanan na mas lalong nagpahirap sa mga kinakaharap na sitwasyon ng bansa. 

 

Matapos ang ginawa nitong pinsala, kinilala ang bagyo bilang pinakamalakas na bagyong tumama sa bansa sa taong ito.

 

​

article 1.jpg

Tumama ang bagyong Ompong sa bansa nitong Setyembre 15, 2018 at may bilis itong 205 kilometers per hour(kph) at hagupit na 255 kph kung saan ang rutang kanyang ginawa palabas ay pakanluran nitong Setyembre 16, 2018.

Ramdam padin ng mga mamamayan ang bakas ng trahedyang idinulot nito tulad ng pagguho ng lupa sa mga mataas na lugar na nadaanan ng Ompong.

KAMAY SA DIBDIB, ARESTADO KA!

R.A 8491, mas pinaigting

Kneuelle Rafaela M. Amante

Mas binigyang pansin ang mga layunin ng section 37 Flag and Heraldic Code (R.A. 8491) na patungkol sa kaparusahan na matatanggap sa mga gagawing paglabag sa wastong pag-awit ng Lupang Hinirang.

article 3.jpg

Isinasagawa ng mga mag-aaral ang Flag ceremony sa paaralan tuwing umaga upang magampanan ang responsibilidad ng isang Pilipino na kantahin ang Lupang Hinirang upang maipakita ang paggalang at respeto nito sa bansa, watawat at pambansang awit.

Inaresto ang sino mang mahuling hindi nagpakita ng paggalang sa pag-awit ng pambansang awit tulad ng pangyayaring naganap sa iba’t ibang sinehan ng bansa.

 

Samantala, ayon sa sarbey na isinagawa patungkol sa mga nangyaring paghuli, ang karamihan (74%) ay sumasangayon sa mga ginawang paghuli ng pulisya at tama lamang daw iyon para matuto ng leksyon ang mga pasaway habang ang (26%) ay sumasalungat sapagkat mas mainam daw na sila’y pagsabihan nalang muna.

 

Muling nagpaalala ang mga opsiyal sa tamang pag-awit at paggalang ng ating pambansang awit upang maiwasan ang mga ganoong insidente.

Tungkol sa Ang Hiraya

Ang 'Ang Hiraya' ay isang ay ang opisyal na pahayagan sa Filipino ng Wellspring Highschool. Ito ay naglalayang maglathala ng mga balita, editorial, lathalain, artikulong agham at balitang isports. Sinasalamin nito ang mga malikhaing pag-iisip ng mga mamahayag sa pamamagitan ng kanilang mga katha. Nagbibigay-Impormasyon din ito sa mga tao ukol sa pinakasariwang kaganapan sa paaralan at komunidad na hango sa katotohanan

Seksyon

bottom of page