top of page

Pagkalugmok ng mga bulsa

Edlyn Angela S. Salas

Talamak ang kalbaryong kinakaharap ng Pilipinas gaya na lamang ng rumaragasang pagtaas ng halaga ng dolyar dito sa Pilipinas. Tila ba ito’y dagok para sa ekonomiya ng ating bansa na tuluyang bumabagsak.

Nagkakahalagang 53 piso ang halaga ng bawat isang dolyar ng Amerika rito sa Pilipinas. At dahil dito, patuloy na naghihirap at mas lalo pang maghihirap ang ating bansa. Nalulugi ang bansa sa lahat ng aspeto sapagkat hindi na nahinto ang pagpalo ng pagtaas ng mga ito.

Nagiging patok ngayon ang Pilipinas sa mata ng mga banyaga sapagkat mas makakamura sila ng lubos sa mura ng bilihin para sa halaga ng kanilang barya-baryang salapi. Nakalulungkot isipin dahil kahit sa sariling atin ay hindi tayo nasisiyahan. Pinapagbuti natin ang buhay ng mga banyaga kahit tayong mga nagpapabuti ay naghihirap din.

Ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) ay kilala natin bilang ating mga kasalukuyang bayani dahil sila’y nagsisikap at nagbubuwis ng buhay makapaghanapbuhay lamang. Sila’y naghihirap sa kani-kanilang pamilya ngunit lahat ng kanilang sakripisyo ay maibabasura lamang. Pagsisikap na tila bang nawawalang kwenta dahil hindi nila ito hustong napapakinabangan.

Tayong lahat ay nagsisikap ngunit napupunta lamang ang mga ito sa wala. Pinapagbuti natin ang lahat sa abot ng ating makakaya kahit mahirap na. Patuloy na nabubusabos ang Pilipinas sa hindi kapani-paniwalang paraan na kung bakit patuloy tayong nakalugmok sa kahirapan.

Ang inaakala natin na sa atin makakatulong ay hindi natin namalayan na unti-unti na tayong hinihila pababa tungo sa kahirapan.

IMG_4190.JPG

Tungkol sa Ang Hiraya

Ang 'Ang Hiraya' ay isang ay ang opisyal na pahayagan sa Filipino ng Wellspring Highschool. Ito ay naglalayang maglathala ng mga balita, editorial, lathalain, artikulong agham at balitang isports. Sinasalamin nito ang mga malikhaing pag-iisip ng mga mamahayag sa pamamagitan ng kanilang mga katha. Nagbibigay-Impormasyon din ito sa mga tao ukol sa pinakasariwang kaganapan sa paaralan at komunidad na hango sa katotohanan

Seksyon

bottom of page