top of page

Pagitan ng mga linya

Christine York c. Del Rosario

Pag-unawa at pagkakaroon ng bukas na kaisipan.

Mga kabataan sa panahon ngayon ay palaging gumagamit ng mga gadyet at internet. Kung saan na naitala na 67 milyon na Pilipino ang gumagamit ng internet at halos umaabot ng walong oras sa harap ng mga screen ng mga cellphone o mga desktop at laptop.  

​

Ang iba sa mga kabataang ito’y hindi gaanong nakakasunod sa mga balita na maaaring makaapekto sa kanila. Ang iba pa’y madalas nabibiktima pa ng fake news. Kaya’t naisipan ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) na isali ang kategoryang Online Desktop Publishing para sa mga kompetisyon sa mga press conference.

​

​

article 3.JPG

Ginagawa nina Mike Manguan, 16, Christine York Del Rosario, 16, Edlyn Salas, 16 at Gil Miranda III, 14, (kaliwa papuntang kanan) ang kani-kanilang mga trabaho sa kanilang kategoryang Online Publishing sa nagaganap na training para sa Divisions Schools Press Conference nitong Setyembre 21, 2018.

Online Desktop Publishing, ito ay ang paggawa ng website kung saang balita ang nilalaman upang maipaalam sa mga kabataan sa paraang agad na maaakit ang mga ito- sa internet. Dahil kadalasan sa mga estudyante ay gumagamit nito, mas madaling midyum ito upang maipamahagi sa kanila ang balita kung ikukumpara sa pagbabasa ng tradisyunal na pamahayagan.

​

Ito’y gaganapin sa unang pagkakataon sa nalalapit na Divisions Schools Press Conference, kung saan maglalaban-laban ang mga pampubliko at pambribadong paaralan.

​

Maaring ito’y bago sa paningin at pandinig, ngunit ang layunin naman nito’y para sa kabutihan ng lahat. Ito’y maaaring ‘di bigyan ng gaanong pansin ngunit kung sa tamang pag-unawa at pagkakaroon ng bukas na isipan sa adhikain nito ating makakamit ang pag-unlad ng sistema ng pagbabalita at ng buong bansa gamit ang makabagong teknolohiya.

​​

Tayo nasa pagitan ng mga linya ng nakasanayan at makabago. Tayo walang kailangan na panigan, ang importante ay ‘wag kalimutan an gating mga tradisyon at maging bukas sa pagbabago na dulot ng panahon.

Tungkol sa Ang Hiraya

Ang 'Ang Hiraya' ay isang ay ang opisyal na pahayagan sa Filipino ng Wellspring Highschool. Ito ay naglalayang maglathala ng mga balita, editorial, lathalain, artikulong agham at balitang isports. Sinasalamin nito ang mga malikhaing pag-iisip ng mga mamahayag sa pamamagitan ng kanilang mga katha. Nagbibigay-Impormasyon din ito sa mga tao ukol sa pinakasariwang kaganapan sa paaralan at komunidad na hango sa katotohanan

Seksyon

bottom of page