top of page

Ibandera ang mga bumabandera

Gil M. Miranda iii

Nagsalita si Asian Games Gold Medalist sa weightlifting na si Hidilyn Diaz ukol sa kakulangan ng suporta na nakukuha ng mga manlalarong Pilipino at sinabing, “Hindi nakakakuha ng sapat na suporta at pondo an gating mga manlalaro.” Ang ipinapahiwatig ni Diaz ay pawing katotohanan dahil hindi sila nakakapwesto ng mataas at umuunlad sapagkat hindi sila binibigyan ng sapat na pondo, suporta at pagkakataon na makilala ng ating bayan.

​

Pangunahing pangangailangan ng mga manlalarong Pilipino ay ang mga pasilidad at kagamitan upang sila ay makapagensayo para sa kanilang mga lalabanan. Bigyan man sila ng gobyerno ng suporta sa pera ay kulang parin iyon kumpara sa binibigay ng pamahalaan sa ibang mga manlalaro. Paniguradong hindi mananalo o kahit man lang pumwesto ng mataas sapagkat wala silang sapat na kagamitan sa kanilang pag-eensayo.

​

Halos mga manlalaro lang ng basketball at volleyball ang tanging iniisip ng gobyerno dahil ito ang sikat at kilalang mga isports ngunit tayo parin ay natatalo. Nakilala lang ang weightlifting sa Pilipinas dahil sa pagkapanalo niya sa Olympics at ang kanyang Gold medal sa 2018 Asian Games. Kung hindi ipapakilala ang ibang isports at titingin lang sa basketball ay madalang o hindi mapupusuan ng mga bata ang iba’t ibang isports at hindi nila ito pupursigihin na tutungo sa kakulangan ng atin mga manlalaro.

​

Kailangan din suportahan natin at ng gobyerno ang mga manlalaro sa morale at hindi lang sa pera. Ito ay may magandang maidudulot sa mga manlalaro dahil alam nilang sinusuportahan sila ng gobyerno at ng maraming Pilipino na magiging dahil sa kanilang pagsasanay ng maigi. Malamang sa malamang ay makakapwesto sila ng mataas o kaya’y manalo pa kapag sila ay nagkaroon ng motibo at inspirasyon na magensayo ng mabuti.

​

             

Ibandera ang mga bumabandera pic.jpg

 Lumalaban si Hidilyn Diaz sa Asian Games 2018 Women’s Weightlifting upang mapanalunan ang kauna-unahang Gold Medal ng Pilipinas sa Jakarta International Expo Hall A sa Indonesia nitong ika-18 ng Setyembre

Suportahan natin ang mga manlalaro ng bayan natin sapagkat sila ang nagpapagod upang ibandera ang ating bansa. Huwag tayong tumingin lang sa isang isport dahil ito ay sikat. Magbigay rin tayo ng oras at pagkakataon sa iba’t ibang manlalaro sa iba’t ibang isports.

​

Motibo, suporta at inspirasyon ang tanging kailangan ng atin mga manlalaro para makakuha sila ng lakas ng loob at determinasyon.

Tungkol sa Ang Hiraya

Ang 'Ang Hiraya' ay isang ay ang opisyal na pahayagan sa Filipino ng Wellspring Highschool. Ito ay naglalayang maglathala ng mga balita, editorial, lathalain, artikulong agham at balitang isports. Sinasalamin nito ang mga malikhaing pag-iisip ng mga mamahayag sa pamamagitan ng kanilang mga katha. Nagbibigay-Impormasyon din ito sa mga tao ukol sa pinakasariwang kaganapan sa paaralan at komunidad na hango sa katotohanan

Seksyon

bottom of page